Connect with us

Capiz News

Presyo ng produktong petrolyo sa Roxas City, buong Capiz inaasahang bababa

Published

on

Iniasahan na ngayong linggo ay bababa ang presyo ng mga produktong petrolyo dito sa Lungsod ng Roxas at buong probinsiya ng Capiz.

Ito ang ipinahayag ni Roxas City Counselor Gary Potato, chairman ng committee on transportation, bababa umano ang base price ng gasolina ng at least Php9.00 habang nasa Php3.00 hanggang Php6.00 naman ang magiging presyo ng diesel.

Ayon sa Facebook post ng konsehal nitong Biyernes, ito ay bunga umano ng paglobby niya sa Petron Corp. kasama ang ilang mahahalagang personalidad na babaan ang base price ng petrolium product sa lungsod.

Isa ang Petron sa BIG-3 companies kasama ang Shell at Chevron na binabatayan ng mga dealer at iba pang oil companies ng kanilang presyo sa mga produktong petrolyo.

Mababatid na ang Petron lamang ang mayroong depot sa Brgy. Culasi dito sa lungsod na konektado sa nasyonal na tanggapan nito. Nagsusuplay rin sa ibang kompanya dito sa lungsod at sa probinsya ng Capiz ang nasabing depot.

Una nang nagpatawag ng pagdinig ang komitiba ni Konsehal Potato kasunod ng reklamo ng mga tricycle drivers at operators dahil sa mataas na presyo ng gasolina sa lungsod kumpara sa Kalibo, Iloilo at iba pang lugar sa Western Visayas.

Continue Reading