Connect with us

Aklan News

COMELEC-AKLAN: PINAL NA LISTAHAN NG MGA KANDIDATO SA 2022 POLLS, ILALABAS SA DISYEMBRE

Published

on

Inaasahan ng Commission on Elections o Comelec-Aklan na mailabas na sa Disyembre ang pinal na listahan ng mga kandidatong papayagang tumakbo sa 2022 national and local elections.

Ayon kay Comelec-Aklan Spokesperson Crispin Raymund Gerardo, ito ay dahil nagtapos na ang substitution due to withdrawal ng mga aspirants candidate kahapon, Nobyembre 15.

Ang maaari na lamang i-entertain ng Comelec mula ngayong araw hanggang sa araw ng halalan ay substitution by death at disqualification at hindi na puwede ang withdrawal.

Nangyayari umano ang withdrawal kapag ang isang kandidato na nagfile noong October 1-8 ay naisipan o nagdesisyon ang kanilang partido na dapat itong palitan para sa ikagaganda o ikalalalakas pa ng kanilang kandidatura.

Dagdag pa ni Gerardo na ito ang withdrawal ay itinalaga ng batas gayundin na dapat na magpunta ang kakandidato sa opisina kung saan siya nag-file ng kanyang Certificate of Candidacy para personal na mag-withdraw.

Ipinaliwanag nito na ang substitution ay mayroong tatlong ground para ma-envoke ng kanyang partidado ang isang kandidato, unang dahilan ay kapag namatay ang isang kandidato, pangalawa ay dahil sa disqualification at ang pangatlo ay by reason of withdrawal na nagtapos na kahapon.

Samantala ang substitution by death at disqualification ay pinapayagan pa hanggang sa mismong araw ng election.

Ngunit paalala ni Gerardo ang nais mag-withdraw ng kanyang kandidatura ay hindi dapat isang independent candidate, dapat may partido at ang maaari lamang pumalit ay ang may kaparehong apelyido.

Kaugnay nito ay binigyan-diin nito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tamang pangalan at numero sa balota dahil ito umano ang gagamitin ng mga kakandidato sa kanilang kampanya na siya namang isusulat ng mga botante sa kanilang balota sa darating na halalan.