Aklan News
MGA EDAD 12-ANYOS PABABA, DI NA KAILANGAN NG CONFIRMATORY TEST O VAXCERT KUNG PUPUNTA SA BORACAY ISLAND
Hindi na kailangan ng mga menor de edad na 12-anyos pababa ang confirmatory test o vax cert mula sa DICT para makapunta sa Boracay Island.
Sa inilabas na abiso ni Aklan Governor Florencio Miraflores kahapon, Nobyembre 15, nakasaad na ang mga edad 12 anyos hanggang 17 anyos na papasok sa isla ay kailangan din na magsumite ng VaxcertPH o locally issued vaccination card na may QR code.
Kung walang maipakitang isa sa mga ito ay kinakailangan pa rin na magpasa ng negative RT PCR test na kinuha 72 hours bago ang biyahe.
Samantala ang mga edad 12 anyos pababa ay hindi na kailangan ng anuman sa mga nabanggit na requirement bastat kasama ang kanilang mga magulang o guardian.
Mula Nobyembre 16 ay tinanggal na ang swab test requirement sa mga fully vaccinated na pupunta sa isla.
Nakapagtala na rin ang Malay Tourism Office ng 24,355 na mg ana turista sa loob ng 14 na araw mula sa unang araw ng Nobyembre hanggang Nobyembre 14.