Aklan News
MAYOR LACHICA: BAGONG KALIBO MARKET TINITINGALA NA SANA NGAYON KUNG WALANG OPOSISYON

Tinitingala na sana ngayon ang Kalibo Public Market kung walang mga humadlang sa pag-apruba ng loan agreement sa Development Bank of the Philippines (DBP) ng lokal na pamahalaan.
“…Kung owa ta it sagabal sa pag-apruba it aton nga loan agreement sa DBP, makaron hay gatangda eon kita ku atong public market nga naka-umpisa eot-a”, pahayag ni Lachica.
Ayon kay Mayor Emerson Lachica, maituturing niyang hindi gusto ng ibang miyembro ng Sangguniang Bayan na umunlad ang bayan ng Kalibo.
Aniya kung wala sanang kumuntra ay maaring noong nakaraang taon pa nila nasimulan ang construction ng relocation site para sa mga negosyante ng Kalibo Public Market habang ginagawa ang bagong mukha ng merkado publiko.
Dagdag pa nito na multi-purpose building sana ang kanilang ipagagawa para kapag natapos na ang Kalibo Public Market ay isusunod din nila ang Kalibo Shopping Center at ito rin ang magsisilbi nilang relocation site.
Balak umano ng lokal na pamahalaan na magkaroon ng 3-storey building para sa Kalibo Shopping Center kung saan may parking area.
Pagdidiin ng alkalde na dapat ang mga ipinapatayongt komersyal ng istraktura ay mayroong sariling parking area.
Hindi rin maipagkakaila ni Lachica na nagiging parking area na ngayon ang mga kalsada sa bayan ng Kalibo dahil sa mga dumaraming establisyemento na wala namang itinatalagang parking area.