Capiz News
MAG-ASAWA NAKURYENTE SA NATUMBANG POSTE NG KURYENTE SA JAMINDAN, CAPIZ
Sugatan ang isang mag-asawa matapos makuryente sa natumbang poste ng kuryente sa kalsada sa Sitio Lombo, Brgy. Milan, Jamindan, Capiz nitong madaling araw ng Huwebes.
Kinilala ang mga biktima na sina Rubelyn Agustino, 40-anyos, at Judy Agustino, 45, isang tindero, mga residente ng Brgy. Jaena Norte, Jamindan, Capiz.
Batay sa report ng Jamindan PNP, naganap ang insidente dakong alas-4:00 ng madaling araw habang sakay ng kanilang motorsiklo ang mag-asaw patungo sanang Altavas, Aklan para bumili ng mga isda na kanila ring ibebenta.
Binabaybay nila ang kahabaan ng national highway nang masagi nila ang isang live wire dahil sa natumbang poste sa kalsada. Sila ay nakuryente at natumba sa kalsada.
Nagtamo ng maraming paso sa katawan ang mag-asawa at isinugod ng mga rumespondeng tauhan ng MDRRMO sa pinakamalapit na ospital.