Connect with us

Aklan News

SEARCH AND RETRIEVAL OPERATION SA BATANG NAHULOG SA AKLAN RIVER, NAGPAPATULOY

Published

on

Halos hindi pa rin makausap ang ina ng 9 na taong gulang na batang babae na nahulog sa Aklan River kahapon sa may Purok 1, C. Laserna St., Kalibo.

Patuloy pa rin ang paghahanap ng mga rescuer sa biktimang si Kyla Rome.

Napag-alaman na kasama ng biktima ang kanyang pitong taong gulang na pinsan na pumunta sa may ilog para maghugas ng paa pero nadulas ito at nahulog sa rumaragasang ilog.

Agad naman na nagsumbong ang kanyang pinsan sa nangyari kay Kyla pero nahirapan ang mga rescuers na maghanap sa bata dahil sa malabo at malakas na agos ng tubig.

Sa aktwal na kuha ng CCTV footage nakita kung paano nadulas ang biktima at kumampay sa tubig bago tuluyang nalunod.

Nabatid na solong anak lang ang biktima at dalawa na lamang silang magkasamang namumuhay ng kanyang ina.