Connect with us

Aklan News

POBLACION BRGY. COUNCIL PAG-AARALAN KUNG PAANO MAIIWASAN ANG MGA AKSIDENTE DAHIL SA REVETMENT WALL NA KANILANG NASASAKUPAN

Published

on

Ikinalulungkot ng buong konseho ng barangay Poblacion Kalibo ang nangyaring pagkalunod ng siyam na taong gulang na batang babae matapos mahulog sa revetment wall sa bahagi ng Purok 1, C. Laserna St., Kalibo.

Ayon kay punong barangay Niel Candelario nagpaplano na ngayon ang Poblacion Barangay Council sa kung ano pang mga safety measures ang kanilang gagawin upang maiwasan nang maulit pa ang katulad na aksidente.

Dagdag pa ni Candelario may mga CCTV na sa lugar upang makatulong sa pagtugon sa mga kaparehong insidente.

Aminado si Candelario na minsan ay dito na rin dumadaan ang ibang mga residente gayundin na maraming pagkakataon na dito naglalaro ang mga kabataan na nakatira sa lugar.

Dahil dito, plano nilang maglagay nalang ng tao na magbabantay at sisita sa mga batang posibleng maglaro sa nasabing lugar.

Samantala, nananawagan din si kapitan Candelario sa mga magulang na nakatira sa lugar na huwag pababayaan ang kanilang mga anak na magpunta at maglaro sa revetment wall upang hindi na maulit pa ang nangyari.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy pa rin sa ngayon ang isinasagawang search operation ng mga otiridad sa biktima.