Capiz News
SK CHAIRMAN, ISANG MENOR DE EDAD NA LALAKI, PATAY MATAPOS MALUNOD SA DAGAT SA PILAR, CAPIZ
Patay ang isang Sangguniang Kabataan Chairman at isang menor de edad na lalaki matapos malunod sa dagat sa Sitio Bat-os, Brgy. San Ramon, Pilar, Capiz.
Kinilala ang mga biktima na sina Gr Jay Tumlos, SK Chairman, at alyas ‘Koykoy’, 14-anyos, parehong mga taga Brgy. Hipona, Pontevedra.
Dakong alas-10:00 ng umaga nitong Linggo nang magpunta sa nabanggit na lugar ang magkakamag-anak para sa isang selebrasyon. Alas-3:00 ng hapon nang maligo ang mga biktima sa dagat kasama ang mga iba pa.
Sinasabing habang naliligo ang mga biktima ay bigla nalang tumaas ang tubig at hinampas ng malaking alon ang mga biktima at tinangay sila sa malalim na bahagi ng dagat.
Unang nakita ng mga rumespondeng tauhan ng MDRRMO at BFP Pilar si Tumlos at mabilis itong isinugod sa ospital pero nasa 30 minuto pa bago narekober ang 14-anyos.
Parehong dead on arrival sa Bailan District Hospital.