Aklan News
“MAGSIMBA KA”: KONSEHAL NILO AMBOBOYOG SA NAGSUMBONG KAY DATING SB MEMBER COSING RUSIA NA SINABIHAN NIYA ITONG “MALANDI”
May sagot si incumbent Makato Sangguniang Bayan member Nilo Amboboyog sa reklamong paninirang puri sa kanya ni dating SB member Marcosa Rusia.
Sa panayam ng Radyo Todo, ipinahayag ni Amboboyog ang nangyari sa birthday party na kanilang dinaluhan kung saan doon umano niya sinabing “Ueagan” (malandi) at pinagtatawanan si Rusia.
Nangyari raw ito noong Huwebes nang imbitahin siya ni dating SB member Salvador “Badong” Tenazas sa kanilang bahay para sa kaarawan ng kanyang in ana si Teresita Tenazas.
Kasama niya raw noon si Vice Mayor Ramon Legaspi na dumalo sa birthday party.
Paliwanag ni Amboboyog, tinanong siya ni Tenazas kung ano ang laging sinasabi ni Rusia sa ibang tao tungkol sa kanya.
Pabiro naman raw niya itong sinagot na “Ueagan ako”.
Paliwanag niya, sarili niya ang sinasabihan nito ng “Ueagan” (malandi) at hindi si Rusia.
Malaki raw ang respeto niya kay Rusia at may pinagsamahan din sila ni Rusia sa Makato bilang mga SB member.
“Mabahoe gid -a ang respeto kay nay Cosing dahil nagkabahan man kami kara.”
“Kat term nga ueagan hay akon ang sarili akon nga natumod karon,” dagdag pa niya.
Katunayan, nitong Sabado, nang magkaharap sina Tenazas at Rusia sa Brgy. Hall ay inamin naman raw ni Rusia na may mga nabitawan siyang masasamang salita sa ibang tao laban kay Amboboyog.
Mga salita na nakakarating din naman daw sa kanya.
Mensahe din ng konsehal kay Josephine Paquingan na siyang nakarinig umano sa kanilang pag-uusap ni Tenazas at nagsumbong kay Rusia ay magsimba na ito at humingi ng kapatawaran sa Diyos nang hindi na maulit ang kanyang ginawa.
“Si certain Josephine ngara hay magsimba ka eon, magpangayo kat kapatawaran sa Ginoo agod ro imong gin-obra ngara hay indi eon madugangan.”
Mananatiling bukas ang Radyo Todo sa pahayag o paglilinaw ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.