COVID-19
Maaring maging mandatory muli ang paggamit ng face shields sa gitna ng banta ng Omicron
Ayon sa isang top official, maaring ibalik ng gobyerno ang mandatory use ng mga face shields dahil sa banta ng bagong variant ng Covid-19, ang Omicron variant na nagmula sa South Africa.
Wala pang dalawang linggo ang nakakalipas matapos sabihin ng gobyerno na tatanggalin na nila ang mandatory paggamit ng face shields sa halos lahat ng mga public areas sa mga lugar sa ilalim ng Covid-19 Alert Level 3 and below.
Sinabi ni vaccine czar at National Task Force chief implementer Carlito Galvez Jr. sa isang virtual press conference na hindi pa sila nakakapag-desisyon hinggil sa isyu, ngunit, handa ang gobyerno ipatupad ito para pandagdag proteksyon ng taong bayan.
“We will look at the possibility. ‘Yan nga ‘yung inaano ni Secretary Duque na he is, he is pro na ano, maibalik ‘yung any protection na pwede nating gamitin,” aniya batay sa ulat ng ABS-CBN.
“Kasi some people from WHO also believe na kaya nagkaroon tayo ng result dito sa Delta as compared to others is because of the added protection of the face shield,” dagdag ni Galvez.
Lumabas ang pahayag na ito isang araw matapos i-classify ng World Health Organization (WHO) ang B.1.1.529 variant bilang SARS-CoV-2 “variant of concern,” kung saan sinabi nila maaring kumalat ito ng mas mabilis kaysa sa mga ibang forms ng Covid-19.
Preliminary evidence suggested there is an increased risk of reinfection and there had been a “detrimental change in COVID-19 epidemiology,” it said in a statement after a closed meeting of independent experts who reviewed the data.
Iminungkahi ng preliminary evidence, mayroong increased risk ng reinfection at may “detrimental change in COVID-19 epidemiology” din, ito’y ayon sa isang pahayag ng mga independent experts na nag-review ng data.
Ang bilang ng mga infections sa South Africa ay tumaas nitong nag-daang linggo, nag-cocoincide dito ang detection ng bagong variant na may pangalan ng Omicron, sabi ng WHO.
(ABS-CBN News)