Connect with us

Aklan News

NAPOCACIA, NANAWAGAN KAY PDU30 AT SA DOTR KAUGNAY SA HINDI PA MALINAW NA RESETTLEMENT ACTION PLAN SA MGA APEKTADO NG EXPANSION PROJECT NG KIA

Published

on

Nanawagan ng tulong ang NAPOCACIA Small Farmers and Homeowners Association kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa Department of Transportation (DOTR) kaugnay sa hindi pa naibibigay na Resettlement Action Plan (RAP) at kompensasyon sa mga magsasaka na apektado ng expansion project ng Kalibo International Airport.

Sa panayam ng Radyo Todo, sinabi ni German Baltazar, Presidente ng NAPOCACIA na wala pa rin ang RAP, just compensation, disturbance fee, livelihood at relocation site para sa mga apektado magpahanggang ngayon na ilang taon na ang nakalipas mula nang simulan ang proyekto.

Giit niya, ipinag-utos na ni Transportation Secretary Art Tugade sa LGU Kalibo na ipamigay na ang RAP sa mga apektado pero tila ipinagsasawalang bahala lang ito ng lokal na pamahalaan.

Wala rin aniyang kahit na isang opisyal na namamagitan sa panghaharass at pang-aapi sa kanila ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Kalibo.

Kaya bilang tanda ng kanilang pagprotesta, nagtayo ng mga kulay kahel na bandila ang NAPOCACIA sa paligid ng KIA expansion project, patunay rin aniya ito na hindi pa maayos ang mga apektadong land owners.

<iframe src=”https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fnapocaciafarmers2015%2Fposts%2F126467009819098&show_text=true&width=500″ width=”500″ height=”734″ style=”border:none;overflow:hidden” scrolling=”no” frameborder=”0″ allowfullscreen=”true” allow=”autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share”></iframe>

Idiniin ni Baltazar na hindi sila tutol sa pag-unlad ng KIA pero dapat sana ay ayusin nila ang proseso at ibigay sa kanila ang tama at nararapat na kompensasyon.