Connect with us

History

DIS 7, 1941 – BINOMBA NG HAPON ANG PEARL HARBOR

Published

on

Nagulat ang lahat ng navy personnel na nakadestino sa Pearl Harbor isang  Linggo ng umaga nang biglang nagpalabas ng dispatch si Admiral Husband Edward Kimmel, Commander in Chief ng United States Pacific Fleet.

“AIR RAID ON PEARL HARBOR X THIS IS NOT DRILL.”

Dahil araw ng Linggo noon at araw ng pahinga, hindi sila handa sa biglaang pag-atake ng mga eroplanong Hapon sa United States Naval Base sa Ouahu Island, Hawaii.

Dahil sa pambobomba, nasawi ang mahigit 2,300 Amerikano at umabot sa 21 na barko ang lumubog o hindi na nakapaglayag.  Kabilang dito ang kanilang bapor pandigma na U.S.S. Arizona at U.S.S. Oklahoma .

Dagdag pa rito, mahigit 160 mga sasakyang panghimpapawid din ang nawasak.

Kinabukasan, nagsalita si U.S President Franklin Roosevelt sa harap ng joint session ng Kongreso at idineklara ang Disyembre 7, 1941 bilang “a date which will live in infamy”.

Nang araw ding iyon ay nagdeklara ng digmaan laban sa Japan ang Kongreso ng Estados Unidos na siyang naging hudyat ng pagpasok U.S. sa World War II.

Sa loob lamang ng ilang araw, nagdeklara din ng giyera laban sa U.S  ang mga kaalyado bansa ng Japan na Germany at Italy.

Nagtapos ang World War II noong Setyembre 2, 1945 matapos sumuko kay U.S. General Douglas MacArthur ang mga Hapon na nakasakay sa U.S. battleship na Missouri.

Sanggunian : Britannica.com at History.com

Continue Reading