Connect with us

Aklan News

MOTORSIKLO, SINALPOK NG ISA PANG MOTORSIKLO, 3 SUGATAN

Published

on

Contributed Photo: Krissa Sual

Tatlo ang sugatan sanhi ng aksidente sa bahagi ng diversion road sa Poblacion, Makato pasado alas 7:00 kaninang umaga.

Nakilala ang mag-asawang biktima na sina Rene John Masula, 33 anyos at Sahara Masula, 30 anyos, kapwa residente ng Mantiguib, Makato, habang nakilala naman ang isa pang biktimang rider na si Joy Encenares, sa legal na edad ng Laguinbanwa, Ibajay.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulis, galing sa Ibajay ang nagmomotorsiklong mag-asawa nang aksidente umano silang nabangga ng motorsiklong minamaneho ni Encenares.

Sinasabing paliko noon sa kaliwa sa diversion road ang mag-asawa, subalit mabilis umano ang pagpapatakbo ng motorsiklo ng sumususnod na si Encenares rason na sinalpok nito ang motorsiklo ng mag-asawa.

Sanhi nito, nagtamo ng sugat at pinsala sa katawan ang mga biktima na kaaagad isinugod sa ospital.