Connect with us

Business

Lalong bumilis ang internet speed ng Pilipinas ayon sa Speedtest ng Ookla

Published

on

Internet speed

Ayon sa global speed monitoring firm Speedtest ng Ookla, nag-improve ang bilis ng internet sa Pilipinas nitong Nobyembre.

Pinapakita ng ulat ng latest Ookla Speedtest Global Index na nagkaroon ng pag-taas ang fixed broadband at mobile download speed ng bansa noong nakaraang buwan.

Tumaas sa 75.02 megabits per second (Mbps) ang fixed broadband download speed ng Pilipinas, mula sa 71.08Mbps na naitala noong Oktubre.

Nangangahulagan ito na mayroong 5.54% month-to-month improvement.

Pinapakita rin ng resulta ng latest speed test na mayroong 848.42% na improvement sa fixed broadband download speed, nang nagsimula ang administration ni Duterte noong Hulyo 2016.

Samantala, tumaas rin ang average speed ng mobile downloads ng 40.37Mbps noong Nobyembre mula sa 38.12Mbps noong Oktubre.

Nangangahulagan ito na mayroong 5.90% month-to-month improvement ang mobile download speed.

Nirerepresenta rin ng latest mobile download speed na nagkaroon ng 442.61% na improvement simula nang administration ni Duterte.

(GMA News)