Connect with us

International News

NEW ZEALAND, PLANONG I-BAN ANG PAGBEBENTA NG SIGARILYO SA SUSUNOD NA HENERASYON

Published

on

Photo: Unsplash

Planong ipagbawal ng New Zealand ang pagbebenta ng sigarilyo para sa mga susunod na henerasyon.

Layon nitong matigil ang paninigarilyo sa bansa.

Ang mga edad 14 pababa ay habangbuhay na pagbabawalang bumili ng cigarettes o tobacco products batay sa ilalim ng nasabing batas na magsisimula sa susunod na taon.

Ayon kay Health Minister Dr. Ayesha Verall: “we want to make sure young people never start smoking so we will make it an offense to sell or supply smoked tobacco products to new cohorts of youth.”

“If nothing changes, it would be decades till Māori smoking rates fall below 5%, and this government is not prepared to leave people behind,” dagdag pa ng opisyal.

Ang naturang hakbang ay kabilang sa sweeping crackdown laban sa paninigarilyo na inanunsyo ng health ministry ng New Zealand nitong Disyembre 9.

(Source: ABS-CBN)