Connect with us

Aklan News

BAGONG SILANG NA SANGGOL, INABANDONA SA MAY SITIO GUBA, BRGY. TIGAYON, KALIBO

Published

on

Photo Credits: Edward Villaruel Medalle

Isang bagong silang na sanggol ang nakita ng mga residente sa ilalim ng isang puno ng kalamansi sa may Sitio Guba, Brgy. Tigayon, Kalibo kaninang alas-7:30 ng umaga.

Sinabi ng mga nakakitang residente na nakabalot sa tela ang sanggol at inilagay sa bag na kulay itim.

Ayon pa mga residente, tila bagong silang palang ang lalaking sanggol.

Hindi pa natutukoy kung sino ang nag-iwan sa sanggol at sino ang ina o mga magulang nito.

Dinala ang sanggol sa ospital para masuri at isasailalim siya sa pangangalaga ng mga social workers.