Capiz News
Top 5 Most Wanted Person sa Ivisan, Capiz sa kasong Rape, arestado


Arestado ang Top 5 Most Wanted Person sa kasong Rape sa Brgy. Agmalobo, Ivisan, Capiz nitong Miyerkoles ng umaga.
Kinilala ang akusado na si Oliver Delos Santos Tugna alyas “Toto”, residente ng Sitio Luyo sa nasabing barangay.
Si Delos Santos ay nahaharap sa apat na counts ng Rape sa ilalim ng Article 266-A ng Revised Penal Code.
Siya ay inaresto ng kapulisan sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba at nilagdaan ni Acting Presiding Judge Faustino Roxas Jr., ng RTC Branch 14, Roxas City nitong Disyembre 7.
Walang pyansa ang kaso ng akusado.
Pansamantala itong ikinulong sa Ivisan PNP Station para sa kaukulang disposisyon.
Ang operasyon ay ikinasa ng pinagsamang mga tauhan ng Ivisan PNP sa pamumuno ni PCpt. Gregg Anthony Salbang at Mambusao PNP, CIDG ICFU/RSOT 6, CIDG Capiz at Capiz PIU. (with report from KaTodong Butchoy Gardose)