Connect with us

National News

Simbang Gabi, Nagsimula na!

Published

on

Simbang gabi

Nagsimula na kaninang umaga ang tradisyong Simabang Gabi na tatagal hanggang siyam na araw.

Ito na ang pangalawang taon na ginagawa natin ang tradisyong ito sa gitna ng pandemiya. Noong nakaraang taon, ipinag bawal ang pag dalo ng mga misa sa loob ng simbahan, at lahat ng mga deboto sa okasyon ay naka antabay lamang sa ibat ibang online platforms.

Ngayong taon, isinasagawa pa rin ang online masses, pero may ilang mga simbahan ang nagbukas na ng kanilang pintuan para sa mga limatadong church-goers habang sinusunod ang mga health protocol ng gobyerno.

Sa Church of the Gesu, si Fr. Francis Alvarez, SJ ang nanguna sa selebrasyon at may mga dumalong indibidawal na nakasuot ng face masks at sumusunod sa physical distancing.

“What are you searching for? Before Christmas I wish you to delve more into that question,”

Sabi ni Alvarez batay sa ulat ng GMA News.

“Remember expectation versus reality. No instant solutions. Assembly required. But even if you screw up the instructions, God will take the baby steps with you and accompany you,” dagdag niya.

Mahigit 2,400 naman ang nakisali sa online mass sa pamamagitan ng Jesuit Residence – Ateneo de Manila Facebook page.

Samantala, si Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula ang nanguna sa Manila Cathedral, ito’y livestream via Archdiocese of Manila – Office of Communications page.

Sa kanyang homily, tinalakay ang paksa tungkol sa “light and hope” habang naghahanda ang mga tao para sa selebrasyon ng pagka-panganak ni Jesus Christ sa araw ng Pasko.

“When we face discouragement and confusion let us long for light, for meaning, for hope. May our hearts lift up to behold amidst the darkness the twinkling and colorful Christmas lights,” aniya.

“The child to be born is the light of the world. He is the dawn from on high that will break upon us to shine on those who dwell on darkness and the shadow of death and to guide our feet into the way of peace,” dagdag niya.

(GMA Network)

Continue Reading