Connect with us

Aklan News

7-ANYOS NA SINAKSAK NG 14-ANYOS NA BINATILYO, PUMANAW NA

Published

on

Photo from the web.

Binawian ng buhay ang 7-anyos na babae habang nasa Intensive Care Unit (ICU) ng Aklan Provincial Hospital kaninang alas-4:00 ng madaling araw.

Batay sa ulat, naoperahan pa ang bata pero hindi na ito nakaligtas matapos magtamo ng dalawang tama ng pananaksak sa tiyan sa naganap na krimen kahapon sa Brgy. Cawayan, New Washington.

Pahayag ng lola ng biktima sa panayam ng Radyo Todo, walang suot na underwear at shorts ang biktima nang umuwi at humihingi ng saklolo.

Nabanggit pa ng bata ang pangalan ng 14-anyos na suspek bago ito nawalan ng malay habang karga ng kanyang ina.

Nabatid na kapit-bahay lang nila ang binatilyo na itinuturong may gawa ng krimen at madalas naman na namamasyal ang biktima sa kanila.

Kasalukuyang nasa kostudiya ng New Washington PNP ang suspek habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.