Connect with us

Capiz News

28-ANYOS NA LALAKI PATAY MATAPOS BARILIN NG KAINUMAN SA PRESIDENT ROXAS CITY, CAPIZ

Published

on

Patay ang isang 28-anyos na lalaki matapos siyang barilin ng kaniyang kainuman sa Brgy. Bayuyan, President Roxas sa araw pa man din ng Pasko.

Kinilala ang biktima na si Rodolfo Pastrana habang ang suspek ay kinilala namang si Manuel Beramo, mga residente ng nasabing lugar.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Pontevedra PNP, naganap ang insidente dakong alas-2:05 ng madaling araw habang nag-iinuman ang biktima at ang suspek kasama ang ilang barkada.

Nabatid na magkatabi lamang sa upuan ang suspek at ang biktima nang walang kung anong rason ay bigla nalang bumunot ng di pa malamang kalibre ng baril ang suspek at binaril ang biktima sa kaniyang noo.

Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang krimen.

Patuloy ang imbestigasyon ng kapulisan sa insidente.

Continue Reading