Connect with us

Aklan News

DAHIL SA ALANGANING PAGLIKO, MOTORSIKLO, SINALPOK NG 1 PANG MOTORSIKLO, 3 SUGATAN

Published

on

Confined pa ngayon sa pribadong ospital ang mag-amang sangkot sa aksidente sa kalsada pasado alas 4:00 kahapon ng hapon sa highway ng Cabugao, Altavas.

Bagama’t hindi na pinangalanan ng Altavas PNP, nabatid na 3 ang nasugatan at isinugod sa Altavas Hospital dahil umano sa alanganing pagliko ng naunang motorsiklo.

Base sa imbestigasyon ng Altavas PNP, minamaneho ng 74 anyos na lolo ang naunang motorsiklo, sakay ang kanyang 48 anyos na anak, kapwa residente ng Linayasan, Altavas habang mag-isa naman sa kanyang motorsiklo ang 52 anyos na rider na taga Guimbal, Iloilo.

Sinasabing kapwa papunta sa direksyon ng Kalibo ang mga nasabing motorsiklo, kung saan sinasabing nag-overtake ang solo rider sa mag-ama.

Subali’t tiempo naman na biglang lumiko sa kaliwa ang mag-ama, sa pag-aakala umanong sa kanan mag-oovertake ang sumusunod na motorsiklo.

Resulta, nabangga sila nito at kapwa sumemplang sa kalsada rason ng mga sugat nila at pinsala sa katawan.

Kaagad namang rumesponde ang mga rescuer ng Altavas at isinugod silang lahat sa ospital.

Kinalaunan, inilipat sa pribadong ospital ang mag-ama, habang agad ding nakalabas ng pagamutan ang rider na taga Iloilo, dahil hindi naman malubha ang tinamo nitong sugat.

Ayon naman sa Altavas PNP, wala pa umanong pinal na pinag-usapan ang magkabilang panig sanhi ng insidente.