Weather
Magkakaroon ng maulap na panahaon sa Aklan at Eastern Visayas dahil sa Shear Line
Ayon sa PAGASA, maliit ang tiyansa na magkakaroon ng bagong bagyo ngayong linggo, habang magiging maulap naman ang panahon sa Southern Luzon at Visayas dahil sa shear line.
Sa kanilang 5:00 am bulletin, makakaranas ng maulap na panahon na may scattered rainshowers at thunderstorms ang Eastern Visayas, Aklan, Capiz, Palawan kabilang ang Kalayaan Islands, at Occidental Mindoro.
Samantala magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na panahon amg natitirang bahagi ng Visayas.
Maapektuhan naman ng Northeast Monsoon ang panahon sa Luzon.
Sa weekly weather output ng PAGASA sinabi nila na ” a slim chance of a tropical cyclone is expected.” At inaasahan na magiging moderate hanggang sa malakas na alon ang eastern seaboard sa bansa.