Connect with us

Capiz News

TREASURER’S OFFICE NG IVISAN, CAPIZ NILOOBAN; MAHIGIT PHP45-K NATANGAY

Published

on

Nilooban ng mga magnanakaw ang treasurer’s office ng munisipyo ng Ivisan kung saan natangay ng mga suspek ang nasa Php45,000 halaga ng pera.

Ayon kay Mayor Felipe Neri Yap, posibleng naganap ang insidente Disyembre 31, 2021 ng gab-i o madaling araw ng Enero 1, 2022.

Nabatid na winasak ng mga kawatan ang bintana sa likod ng registrar’s office na yari sa crystal saka dumaan sa mga sa grills paakyat sa balkunahe ng munisipyo papuntang treasurer’s office.

Pwersahang sinira ng mga suspek ang kandado ng pinto nasabing tanggapan dahilan para mapasok nila ito.

Ayon sa alkalde, kabilang sa natangay ng mga suspek ang personal na pera ng ilang empleyado, at koleksyon ng munisipyo.

Nabatid na ito ang unang insidente sa kanilang munisipyo. Aminado ang alkalde na walang guwardiya ang munisipyo.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan sa naturang insidente.

Photo: Google Image

Continue Reading