Connect with us

COVID-19

BORACAY AT MALAY, NAABOT NA ANG 70% HERD IMMUNITY, PINAKAMATAAS SA BUONG AKLAN

Published

on

Naabot na ng Boracay at bayan ng Malay ang 70% herd immunity o target na populasyon na nabakunahan laban sa CoViD-19 at may pinakamataas na vaccination percentage performance sa buong Aklan.

Sa inilabas na CoViD-19 Accomplishment Report ng LGU Malay as of Dec. 28, 2021, 39,916 na ang kumpletong nabakunahan o katumbas ng 101% sa target na 39,412 vaccinees (70%) sa bayan ng Malay na may tinatayang 56,303 na popolasyon.

Sa naturang projected population, 40,334 na dito ang naka-first dose.

Samantala, sa Isla ng Boracay, as of Dec. 22, 2021, na may 34,930 projected population, 27,177 na ang fully vaccinated sa A-C/ General population category o katumbas ng 111.15% sa target na 24,451 vaccinees (70%) habang 27,341 ang naka 1st dose.

17,828 naman ang fully vaccinated sa tourism workers o 102.04% sa target na 17,471 vaccinees (70%) habang 16,728 ang naka 1st dose.

Samantala sa pedia population, 1,207 na ang naka 2nd o 40.23% sa target na 3000 vaccinees habang 1,822 naman ang naka 1st dose.

Sa buong lalawigan ng Aklan, ang bayan ng Malay pa lamang ang nakaabot sa mahigit 100% percentage performance as of Dec. 27, 2021. Sinusundan ito ng Kalibo – 95%, Madalag – 83.7%, Numancia – 83.2%, Lezo – 82.4%, Altavas – 81.7%, New Washington – 80.3%, Ibajay – 76.2%, Banga – 75.8%, Malinao – 74.4%, Batan – 74.2%, Tangalan – 73.9%, Makato – 67.7%, Nabas – 64.3%, Balete – 62.7%, Buruanga – 60.4%, Libacao – 57.1%.

Sa kabuuan, nasa 78.9% na ang vaccination percentage performance ng Aklan na mas mataas na sa 70% target na herd immunity ng buong lalawigan.

Continue Reading