COVID-19
13 SA 17 BAYAN SA AKLAN, NAGTALA NG 93 BAGONG KASO NG COVID-19


13 mula sa 17 munisipalidad sa probinsya ng Aklan ang may naitalang mga bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw na ito.
Sa inilabas na datos ng Aklan Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) ngayong Enero 11, 2022, umabot sa 226 ang mga samples na dumaan sa swab testing kahapon. 93 dito ang naitalang nag-positibo sa COVID-19 habang 133 naman ang nag-negatibo.
Dahil dito, pumalo na sa 41.15% ang positivity rate ng COVID-19 sa buong probinsya.
Pinakamarami ang naitalang nag-positibo mula sa bayan ng Malay na may 34 kaso. Sinusundan naman ito ng bayan ng Kalibo na may naitalang 27.
Narito ang iba pang bayan sa Aklan na may naitalang mga bagong kaso ng COVID-19:
Altavas: 1
Balete: 2
Banga: 9
Ibajay: 4
Lezo: 3
Makato: 1
Malinao: 1
Nabas: 2
New Washington: 5
Numancia: 1
Tangalan: 3
Patuloy pa ring pinag-iingat ang lahat at pinapayuhang sumunod sa mga health protocols kontra COVID-19.