Capiz News
Mga nabakunahan sa Capiz umabot na sa 82.98 porsyento
Umakyat na sa 82.98% ang nabakunahan sa probinsiya ng Capiz batay sa datos na inilabas ng Capiz Provincial Health Office nitong Miyerkoles, Enero 12.
Katumbas ito ng 471,640 mga eligible na nabakunahan mula sa kabuuang 568,364 o 70% target population.
Sa nasabing bilang 383,903 na ang completely vaccinated o 67.5%. Nasa 17,912 naman ang nakatanggap na ng booster dose.
Kung titingnan, nasa 17.02% nalang ang hindi pa nababakunahan sa probinsiya ng Capiz o 96,724.
Samantala, balik operasyon na sa Enero 18 ang vaccination center ng probinsiya matapos makapaglatag ng mga hakbang para maiwasan ang pagdagsa ng mga gustong magpabakuna.
Patuloy na hinihikayat ng gobyerno probinsyal ang lahat ng mga eligible na magpabakuna laban sa COVID-19 at magpa-booster kapag puwede na.