Connect with us

COVID-19

Nabawasan ang quarantine at isolation period ng mga fully-vaccinated -DOH

Published

on

Binawasan ng Department of Health (DOH) ang bilang ng mga araw para sa quarantine at isolation depende sa Covid-19 vaccination status ng isang indibidwal.

Si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang nag-present ng updated quarantine at isolation requirements noong Miyerkules.

Ayon kay Secretary Francisco Duque III nilagdaan ang implementasyon na ito noong Enero 13, 2022.

DOH shortens quarantine table 1

Sa updated guidelines, ang mga fully vaccinated Covid-19 patients, mapa-health worker man o mula sa general public, basta asymptomatic o nakakaranas lamang ng mild cases ay mag-iisolate sa loob lang ng pitong araw sa halip na 10 araw.

Samantala, ang quarantine period para sa mga fully vaccinated close contacts na may mild o walang sintomas ay limang araw na lang din kaysa pitong araw.

 

Optional na lang rin ang RT-PCR testing para sa mga close contacts ng mga kumpirmadong kaso na asymptomatic o may mild na sintomas.

Ngunit sa mga nakakaranas ng moderate na sintomas, mga indibidwal na hindi pa nababakunahan o partially vaccinated pa lamang kabilang ang mga health workers ay kailangang mag-isolate ng 10 araw.

Binago ng DOH ang quarantine period para sa mga health workers matapos magpahayag ng pag-aalala ang mga medical frontliners na maaring makahawa sila kung hindi na sila magkakaroon ng quarantine period.

DOH shortens quarantine table 2

Sinabi rin ni Vergeire na ang mga pagbabago sa guideline ay nakabatay rin sa behaviour ng Omircron variant.

“Findings show that vaccinated asymptomatic and mild cases are unlikely to shed infectious virus 10 days after the diagnosis or symptom onset,” sabi ng officil batay sa ulat ng CNN Philippines.

(CNN Philippines)