Aklan News
RESOLUSYONG HOUSE TO HOUSE VAXX SA MGA SENIOR CITIZEN, KINATIGAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG KALIBO
Kinatigan ng Sangguniang Bayan ang resolusyong naglalayong magkaroon ng house to house vaccination para sa mga senior citizen sa bayan ng Kalibo.
Ayon kay Sangguniang Bayan member Augusto Tolentino, magandang hakbang ito upang mabakunahan ng COVID-19 vaccine hindi lamang ang mga senior citizen kundi pati na rin ang mga bedridden at Person with Disabilities (PWDs) sa mga kabaranggayan.
Aniya ang mga nabanggit na indibiwal ay walang kakayahang magpunta at pumila sa mga vaccination area kaya’t mas makabubuti kung ang bakuna na mismo ang magpunta sa kanila.
Dagdag pa ng konsehal na isang malaking prebelihiyo ito para sa mga senior citizen, PWDs at bidridden individual gayundin na malaking bagay para sa lokal na pamahalaan upang mas mapabilis ang nasabing programa ng pamahalaan.
Samantala, pokus ngayon ng lokal na pamahalaan ng Kalibo na mabakunahan ang pediatric population dahil sa maliit pa lamang na populasyon ng mga kabataan ang nababakunahan kontra COVID-19 virus.