Connect with us

Aklan News

PAGLOBO NG COVID-19 CASE SA KALIBO, WALANG KONEKSYON SA SELEBRASYON NG ATI-ATIHAN FESTIVAL 2022

Published

on

Walang koneksyon ang selebrasyon ng Kalibo Sto, Nino Ati-atihan Festival nitong Linggo sa pagtaas ng kaso ng mga nagkasakit dulot ng COVID-19.

Ito ang pahayag ni Mayor Emerson Lachica kasunod ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bayan ng Kalibo.

Ayon sa alkalde, minabuti nilang kanselahin ang ilan sa mga major events ng naturang selebrasyon upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19 virus.

Aniya, hindi maipagkakaila na sa kabila ng mga hindi natuloy na aktibidades ay marami pa rin ang mga taong dumalo sa nasabing selebrasyon.

Pahayag pa ni Lachica, upang masiguro nila na nasusunod ang ipinapatupad na minimum health standard ng pamahalaan ay kinansela nila ang ati-atihan bazaar at food festival.

Malaki aniya sana itong tulong sa aspetong pang-ekonomiya para sa mga lokal na negosyante gayundin sa lokal na pamahalaan ngunit ayaw nilang makipagsapalaran at ilagaya sa alanganin ang kalusugan ng bawat isa.

Dagdag pa nito na may iilang grupo din umano ang naglibot at nagsagawa ng “sadsad sa kalye” ngunit limitado lamang ang galaw nila.

Kaugnay nito, muling ipinaalala ng alkalde na sundin ang ipinapatupad na protocols lalo na ang pagsusuot ng facemask at social distancing.

Samantala, batay sa pinakahuling record ng Municipal Health Office (MHO) mayroong 209 avtive cases ngayon sa bayan ng Kalibo kung saan 19 dito ang new cases at 15 ang recovery.