Health
Dapat mag-suot ng double mask ang publiko bilang pandagdag proteksyon – health experts
Pinayuhan ng mga health experts ang publiko na magsuot ng surgical mask at cloth mask kung walang better alternative na available upang malabanan ang banta ng Omicron variant.
Ayon kay Dr. Edsel Salvana ng Department of Health-Technical Advisory Group, hindi na sapat bilang pang-proteksyon ang pagsusuot ng cloth mask lamang dahil mataas ang viral load ng Omicron.
“So at the very least surgical mask is in order. You can combine a surgical mask with a cloth mask to improve the fit. Pero hindi po ‘yung dalawang surgical mask,” sinabi ni Salvana sa isang media forum, batay sa ulat ng GMA News.
Nirekomenda ni Salvana ang paggamit ng KN95 o ng N95.
Ang KN95 ang pinaka-malapit pagdating sa filtration ng N95, na ginagamit ng mga medical professionals, at 95% ng mga particles sa hangin ay kinukuha nito. Ang KN95 ay ang Chinese equivalent ng N95.
“Pero pati kami na mga doktor hirap kami huminga sa N95. At yung N95 does need some special fitting to maximize ‘yung kanyang effect. Otherwise, parang KN95 and if pangit talaga ‘yung fit parang surgical mask lang ‘yan,” aniya.
Samantala, nirekomenda ng US Centers for Disease Control and Prevention na gamitin ang “the most protective mask you can.”
Pinayuhan rin ni Salavana ang publiko na magsuot ng face shields at eye goggles bilang pang-dagadag proteksyon at panatilihin ang physical distancing measures.
Sinabi rin ito ni Dr. Anna Ong-Lim, isa pang member ng DOH-TAG.
“Pwede magisip na magkaroon ng both eye, mouth, and nose protection to decrease the chances na makapsok ang virus. Pwede din gumamit ng medyo mas mataas ang filtration efficacy,” aniya.
Hinimok rin ni Ong-Lim ang publiko sa i-konsidera ang pagsusuot ng double mask.
“Para ‘yung ating issues with fit and making sure na naka seal ng maayos ‘yung mask ay ma-address natin… double masking can be an answer and it’s an option that is very doable for ordinary citizens,” dagdag niya.
(GMA News)