Capiz News
TOP 8 MOST WANTED PERSON SA PONTEVEDRA SA KASONG RAPE THROUGH SEXUAL ASSAULT, TIMBOG
Timbog ang top 8 most wanted person ng Pontevedra Municipal Police Station sa kasong Rape through Sexual Assault.
Kinilala ang akusado na si Edison Borce, 67-anyos, residente ng Brgy. Solo, Pontevedra, Capiz kung saan siya naaresto umaga nitong Miyerkoles.
Inaresto siya ng pinagsamang mga tauhan ng Pontevedra PNP sa pamumuno ni PMaj. Syril Punzalan, hepe, at ng Provincial Intelligence Unit sa pamumuno naman ni PMaj. Francisco Paguia, sa bisa ng warrant of arrest.
Nahaharap ang akusado sa kasong Rape through Sexual Assault as defined in Article 266-A, paragraph 2 ng Revised Penal Code in relation to Republic Act 7610.
Ang warrant ay ibinaba at pinirmahan ni Judge Jeffrey Almalbis, Regional Trial Court, Branch 14, Roxas City.
Php200,000 ang piyansang itinakda ng korte laban sa akusado.