Aklan News
PRESONG BAGONG LABAS SA BILANGGUAN, BINARIL PATAY NG RIDING IN TANDEM
Patay ang isang bagong layang preso matapos umanong pagbabarilin sa Sitio Maeobog, Calizo, Balete.
Base sa paunang imbestigasyon ng pulis, nagtamo ng mga tama ng pamamaril sa katawan ang biktimang si George Quindong, 31 anyos ng nasabing lugar.
Lumalabas pa sa imbistigasyon na naglalakad noon pauwi ang biktima nang sundan umano ng 2 nakamotorsiklong lalaki at pinagbabaril.
Base pa sa inisyal na deskripsyon, kapwa naka itim na helmet ang dalawang salarin kung kaya’t pahirapan pa sa ngayon sa mga pulis ang pagkilala sa mga ito.
Narekober naman sa crime scene ang isang basyo ng kalibre .45 na baril na pinaniniwalaang ginamit ng gunman sa pagpatay sa biktima.
Samantala, base naman sa nakalap na impormasyon ng Radyo Todo mula sa kapamilya ng biktima, nakulong at kakalaya lamang umano ng biktima dahil din sa kasong pagpatay, ilang taon na ang nakalilipas.