Connect with us

Aklan News

AKLANON OFW NA NASA SAUDI ARABIA, HUMINGI NG TULONG PARA MAKAUWI

Published

on

NANAWAGAN ng tulong ang isang Aklanon na Overseas Filipino Worker (OFWs) sa Riyadh, Saudi Arabia para makauwi sa Pilipinas.

Dalawang buwan na kasing nakatengga at walang trabaho ang nasabing OFW na taga Tigayon, Kalibo matapos saktan at palayasin ng kanyang amo noong Disyembre 7.

Kwento niya, nagkasagutan sila ng kanyang amo kaya’t pinalayas siya nito ng walang kahit na anong dala kundi ang kanyang cellphone.

Hindi rin daw binigay ng mga ito ang kanyang mga gamit, dokumento kabilang na ang passport ang ang tatlong buwan na unpaid salary.

Kwento niya, maayos na ang kalagayan niya ngayon sa ilalim ng pangangalaga ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) pero gusto na niyang makauwi.

Subalit hindi ito maaari hangga’t hindi pa nalalakad ang kanyang mga papeles para makakuha ng exit visa.

Humingi na rin siya ng tulong sa kanyang agency na Jamal Human Resource Internationale na nakabase sa Pasay City pero hanggang ngayon ay wala pang hakbang na ginagawa para matulungan siya na makabalik sa Pilipinas. MAS/RT