Aklan News
SP MEMBER NERON SA MGA KUMAKALAT NA BALITA SA SOCMED UKOL SA NEGATIBONG EPEKTO NG COVID VAXX: ‘FAKE NEWS, HUWAG PANIWALAAN’


Nanawagan si Aklan Sangguniang Panlalawigan member Nemesio Neron sa publiko na huwag paniwalaan ang mga balitang napapanuod at nababasa sa social media tungkol sa masamang epekto ng bakuna dahil ito ay walang katotohanan o pawang fake news lamang.
Ayon kay Neron ang mga bakunang itinuturok laban sa COVID-19 virus ay masusing pinag-aralan ng mga doktor at eksperto.
Aniya ang mga fake news na kumakalat ay pawang ‘assumptions’ lamang ng mga nagpapakalat sa social media.
“Indi baea magpinati sa raya ngara nga naga-gueowa sa social media nga mga fake news dun, dahil duyon ngaron ay puro assumptions malang nanda. Whereas, raya ta ngara nga mga bakuna makaron hay gin-estudyuhan ta ra it aton nga mga scientist, aton nga mga soktor,” pahayag ni Neron.
Dahil dito, hinihikayat ni Neron ang lahat na makipagtulungan sa isinasagawang vaccination program ng gobyerno.
Ang nangyayari umano sa ngayon ay ang mga hindi bakunado ang madaling dinadapuan ng nasabing virus.
“Ginahinyo naton ro tanan nga magkooperar. Ro natatabo abi makaron, kung sin-o ro owa it bakuna, hay ruyon ro mga tukbon o ma-infect ku rayang virus ngara,” dagdag pa nito.
Saad pa ng opisyal na ang mga impormasyon ukol sa COVID-19 vaccine ay suportado ng mga ebidensiya at datos.
Kumakalat kasi ngayon sa social media ang iba’t-ibang balita tungkol sa bakuna matapos ipatupad ng pamahalaan ang “no vaccination,no entry sa ilang mga tanggapan at establisyimento gayundin ang “no vaccination, no ride” ng Department of Transportation (DOTr).