Connect with us

Aklan News

PUNONG BARANGAY RAFAEL BRIONES,NAGSUMITE NA NG KANYANG SWORN STATEMENT

Published

on

Isinumite na ni Punong barangay Rafael Briones ng Brgy. Briones, Kalibo kay Mayor Emerson Lachica ang kanyang sworn statement.

Ito ay bilang tugon sa sulat na kanyang natanggap mula sa tanggapan ni Engr. Marlo Villanueva, Municipal planning and Development coordinator at Head secretariat ng Local Inter-Agency committee ng lokal na pamahalaan ng kalibo na siyang nangangasiwa sa NHA Libreng Pabahay sa Barangay Briones para sa mga biktima ng super typhoon Yolanda na humagupit sa lalawigan ng aklan noong taong 2013.

Sa sulat ni Engr. Villanueva ay binibigyan ng limang araw si Punong barangay Briones na magsumite ng kanyang paliwanag hinggil sa kanyang pagbibigay pahintulot kay Ms. Editha Villorente at sa pamilya nito na gamitin pansamantala ang isang unit ng libreng pabahay ng NHA sa kanyang nasasakupang Barangay.

Ayon kay Villanueva wala umanong karapatan na magbigay pahintulot si Briones sa pamilya Villorente na okupahin ang nasabing unit ng pabahay dahil ito ay sa pangangalaga na ng lokal na pamahalaan at hindi pag- aari ng Barangay o ni Punong Barangay Briones.

Dagdag pa ni Villanueva na isa umano itong ilegal na hakbang at labag sa batas ang ginawa ni Briones lalo at meron ng nagmamay ari sa inukupang pabahay.

Isusumite naman sa Local Inter-Agency committee ang isinumiteng sworn stement ni Hon. Briones para pag-usapan kung ano ang susunod na hakbang na gagawin ng lokal na pamahalaan ng kalibo.

Continue Reading