Aklan News
LALAKING NAGNAKAW UMANO NG MGA AMPALAYA, KINASUHAN NA
Kinasuhan na ngayong araw ang lalaking nagnakaw umano ng nasa 19 kilo ng ampalaya kagabi sa Ob-ob, Linabuan, Sur, Banga.
Nakilala ang suspek na si Ronie Pereira, 20 anyos ng Paraiso Road, Linabuan, Sur Banga, habang nakilala naman ang may-ari ng mga ampalaya na si Reynaldo Siason, sa legal na edad ng Jumarap, Banga.
Base sa imbestigasyon ng Banga PNP, naaktuhan umano ng biktima ang suspek habang nangunguha ng mga ampalaya sa kanilang taniman.
Subali’t kaagad umanong tumakas ang suspek, at naiwan ang nakasakong ampalaya na nasa 19 na kilo.
Kaagad nagreport sa Banga PNP si Siason, kung saan kaagad ding rumesponde at nahanap ng mga pulis ang suspek sa kanilang bahay.
Kaagad din itong naaresto at ikinostodiya sa Banga PNP Station, habang inihahanda ang kaukulang kaso na isasampa laban sa kanya.