Capiz News
69-ANYOS NA LALAKI NATAGPUANG PATAY SA KANILANG BAYAN SA SIGMA, CAPIZ


Patay na ng matagpuan ang isang 69-anyos na lalaki sa isang bahay sa Brgy. Poblacion Norte, Sigma, Capiz.
Kinilala ang biktima na si Larly Eglesia Armada, caretaker ng bahay at residente ng nasabing barangay.
Ayon sa report ng Sigma PNP, nakita nalang ng driver na si Redgene Martinez Azarcon ang biktima na wala ng buhay at nakahiga sa sala ng bahay na binabantayan nito.
Pagmamay-ari ni Magdalena Galilea ang nasabing bahay.
Nabatid na sinadya ni Martinez na tunguhin ang biktima sa bahay na binabantayan nito dahil nasa ilang araw na niya itong hindi nakikita.
Sinasabing nasa tatlong araw na patay ang nasabing biktima dahil nasa advanced state of decomposition na ang bangkay nito.
Naniniwala ang pamilya na walang foul play sa insidente.