Connect with us

Aklan News

36 NA MULTI-PURPOSE BUILDINGS, 26 NA KALSADA AT 15 NA FLOOD CONTROL AT REVETMENT WALL, NAKATAKDANG IPATUPAD SA BUONG AKLAN

Published

on

CONTRACTOR NG GINAGAWANG DRAINAGE SYSTEM SA BAHAGI NG MABINI STREET, SUBJECT FOR LIQUIDATED DAMAGES KAPAG HINDI PA RIN MATAPOS ANG PROYEKTO

Nakatakdang ipatupad ng Department of Public Works and Highways o DPWH ang pagpapagawa ng 36 na Multi-Purpose Buildings, Evacuation at civic centers,26 na mga Municipal at Barangay roads at 15 na Flood Control at Revetment wall projects sa buong lalawigan ng Aklan ngayong 2022.

Sa datos na nakuha ng Radyo Todo sa tanggapan ng DPWH-Aklan, kasama rin sa listahan ng mga proyekto ang construction at rehabilitation ng apat na tulay kung saan dalawa dito ay sa bayan ng Malay.

Ipapatupad rin ng ahensya ang pagpapagawa ng apat na road widening project, tatlong water system project at dalawang asphalt overlay.

Samantala, ayon naman sa planning division ng ahensya, 39 sa nasabing mga proyekto ay na bidding na, 4 ang nakatakdang i-bidding, 4 ang mga bagong proyekto na may mga dapat pang ayusing dokumento at 1 ang project for checking.

Magmumula naman ang pondo ng nasabing mga proyekto sa national government na bahagi ng BUILD, BUILD, BUILD Program ng administrasyong Duterte.