Aklan News
LASING, NAHULIHAN NG PATALIM
Kalaboso ang inabot ng isang lasing matapos umanong mahulihan ng patalim sa isang bahay sa Angas, Batan.
Nakilala ang suspek na si Reynaldo Bolivar, sa legal na edad, at residente ng nasabing lugar.
Base sa report, tiyempong nagroronda noon ang mga pulis ng Batan PNP, nang pumara sa kanila ang isang ginang at nagreklamong hindi ito makapasok sa sariling bahay dahil sa naroon ang suspek at kasama nitong nag-iinuman.
Kaagad namang tumugon ang mga pulis sa reklamo ng ginang at doon nga naabutan ang suspek at kanyang kasama, na kapwa lasing na.
Subali’t doon naman umano nakita ng pulis ang patalim sa tagiliran ni Bolivar, rason na kaagad itong inaresto.
Kaagad siyang dinala at ikinustodiya sa Batan PNP Station habang inihahanda ang kasong paglabag sa BP6 o Illegal Possession of Bladed Weapon, at Disobedience Upon Person in Authority na isasampa laban sa kanya.
Samantala, nabatid na dati nang nag-iinuman doon ang suspek kasama ang ilan pang barkada noong buhay pa ang mister ng nagreklamong misis.
Nabatid na pawang mga babae sila doon sa bahay kasama ang mga bata, na labis namang ikinabahala ng misis.