Connect with us

Business

Posibleng sabwatan sa pagitan ng mga kumpanya ng langis sa oil price hike, nais paimbestigahan sa Kamara

Published

on

Maghahain ng resolusyon si Marikina District Representative Stella Quimbo para imbestigahan ang posibleng sabwatan sa pagitan ng mga oil companies para magtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay Quimbo, tila sinasamantala ng mga kumpanya ng langis ang pricing formula na ipinapatupad ng Department of Energy (DOE).

Sa ilalim kasi nito, pinahihintulutan ng DOE ang mga kumpanya na mag-adjust ng kanilang presyo kada linggo na kadalasan ay nagiging epektibo tuwing Martes.

Ang naturang pricing scheme ay posible aniyang magdulot ng tinatawag na parallel pricing kung saan nag-gagayahan ang mga kumpanya ng presyo at ang consumer naman ang nadedehado.

Kung matatandaang nitong Martes ay nagpatupad ng malakihang price increase ang ilang kumpanya bunsod umano ng pagbaba ng suplay ng langis matapos ang drone attack sa Saudi Aramco.

Pero ayon kay Quimbo, kung pagbabasehan ang procurement pattern ng mga kumpanya, ang kasalukuyan nilang suplay ay nabili bago pa ang pag-atake at hindi dapat patawan ng mataas na presyo.

Inihalimbawa ng mambabatas ang bansang Singapore na isa sa mga importer ng langis na hanggang sa ngayon ay hindi pa naman nagpapatupad ng taas-presyo sa kanilang oil products.

By: Kathleen Jean Forbes 

Via: Radyo Pilipinas

Source: http://www.radyopilipinas.ph/rp-one/articles/business/posibleng-sabwatan-sa-pagitan-ng-mga-kumpanya-ng-langis-sa-oil-price-hike-nais-paimbestigahan-sa-kamara