Connect with us

Aklan News

ANTI-ILLEGAL DRUGS CAMPAIGN SA LALAWIGAN NG AKLAN, MATAGUMPAY

Published

on

ANTI-ILLEGAL DRUGS CAMPAIGN SA LALAWIGAN NG AKLAN, MATAGUMPAY

MATAGUMPAY ang isinasagawang kampanya kontra illegal na droga sa lalawigan ng Aklan.

Ito ang pahayag ni Intelligence Agent V Jane Fatima M. Tuadles, Provincial Officer ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Aklan sa panayam ng Radyo Todo.

“Masasabi po natin na we are winning the war against illegal drugs.”

Naging matagumpay ang kampanya kontra illegal na droga dahil sa mga ikinasang operasyon ng PDEA-Aklan.

Aniya nitong nakaraang taon, nagsagawa ang PDEA-Aklan ng 28 anti-drug operation kung saan umabot sa 30 drug personalities ang kanilang naaresto.

Pahayag pa ni Tuadles na ang naturang mga operasyon ay naging matagumpay dahil sa koordinasyon at pakikipagtungan ng Philippine National Police (PNP).

Dagdag pa nito na nagpapatuloy sa ngayon ang kanilang koordinasyon sa PNP at sa mga kabarangayan upang tuluyan nang masawata ang iligal na droga sa buong lalawigan.

Sa katunayaan ayon kay Tuadles, patuloy pa rin ang kanilang monitoring sa mga drug surrenderee sa mga barangay upang mabigyan ang mga ito ng tamang intervention.

Ang mga drug users ay ipapasok sa Community-based Rehabilitation Program samantalang ang mga drug pusher naman ay ipapasok sa Balay-Silangan.

Bahagi ng nasabing programa ang Department of Health (DOH), PNP at Barangay Anti-Drug Abuse Councils (BADAC).

Samantala, ipinahayag ni Tuadles na umaabot na sa 187 ang kanilang naideklarang drug-cleared barangay sa lalawigan ng Aklan.

Si Tuadles ay umupo bilang bagong provincial officer ng PDEA-Aklan nitong Enero 7 ng kasalukuyang taon.