Capiz News
2 MOTORSIKLO NAGBANGGAAN SA DAO, CAPIZ; PAREHONG DRIVER SUGATAN


Sugatan ang dalawang driver matapos magbanggaan ang kanilang mga motorsiklo sa Brgy. Matagnop, Dao, Capiz.
Kinilala ang driver at suspek na si Edgardo Elicana, residente ng Brgy. Malonoy sa nasabing bayan habang ang driver at biktima ay kinilala namang si Jimmy Mateo, 43-anyos, residente ng Brgy. Matagnop.
Ayon sa imbestigasyon ng Dao PNP, nagmamaneho ng Smash 115 na motorsiklo ang suspek mula Brgy. Malonoy, Dao patungo sanang bayan nang mawalan ito ng kontrol at lumihis sa opposite lane.
Dahil rito nabangga niya ang isang Yamaha Mio na menamaneho ng biktima mula sa kabilang direksyon.
Nagtamo ng sugat sa iba-ibang bahagi ng katawan ang suspek at isinugod ito ng Dao Emergency Response Unit sa Dao District Hospital habang ang biktima ay sa Mambusao District Hospital.
Iniimbestigahan pa ng kapulisan ang aksidente.