Connect with us

International News

Dahil sa patuloy na pagbaba ng Covid-19 cases, tatanggalin na ng New Jersey at Delaware sa Amerika ang mask mandate sa kanilang mga paaralan

Published

on

mask mandate remove

Tatanggalin na ng New Jersey at Delaware ang statewide mask mandates sa mga paaralan bilang sign na babaguhin na ng dalawang Northeastern states kung paano nila i-mamanage ang pandemiya sapagkat, patuloy na bumababa ang kaso ng Covid-19 mula sa Omicron surge.

In New Jersey

Simula Marso 7, tatangalin na ng Garden State ang mask mandate nito sa mga paaralan para sa mga estudyante at empleyado, sinabi ng New Jersey Gov. na si Phil Murphy. Gayunpaman, kung magkakaroon ng spike sa infections, maaring ibalik nila ang mask mandate upang ma-control ito, batay sa ulat ng The New York Times.

“Balancing public health with getting back to some semblance of normalcy is not easy. But we can responsibly take this step due to declining COVID numbers and growth in vaccinations,” sinabi ni Murphy sa isang tweet.

Ang New Jersey ang isa sa mga ” hardest-hit states” sa unang bahagi ng pandemya, at iba’t ibang striktong public health measures ang ipinatupad ni Murphy upang ma-control ang virus, kung saan siya’y parehong napuri at napuna dahil sa kanyang ” aggressive approach.”

Dagdag ni Murphy na maaring magsuot pa rin ng masks ang mga estudyante at mga empleyado kung ninanais nila.

“We need to get them back to normal,” ito naman sinabi ni Dr. Lucy McBride, isang internist sa Washington, D.C., na nakiisa sa iba pang mga doktor sa panawagan na tanggalin na ang mask mandates sa mga paaralan, batay sa ulat ng The New York Times.

In Delaware

Samantala, ang indoor mask mandate ng Delaware para sa mga public at private K-12 na paaralan at mga child care facilities ay aalisin na pagdating ng Marso 31, pahayag ni Gov. John Carney batay sa ulat ng The Morning Edition.

Sinabi niya na ang petsa ay magbibigay sa mga distrito at paaralan ng oras upang isaalang-alang ang mga local masking requirements at para ma-update ng state ang quarantine at contact tracing guidance nito.

“We’re in a much better place than we were several weeks ago in the middle of the Omicron surge of COVID-19 cases and hospitalizations,” aniya.

“I want to be clear about this point — COVID is still circulating in our communities. And the virus still poses a risk of serious illness, particularly among those who are not up to date on their vaccinations,” dagdag niya. “But we have the tools to keep ourselves and each other safe.”

(NPR.ORG)

Continue Reading