Connect with us

Capiz News

7 BOARD MEMBER SA CAPIZ NAHAHARAP SA MGA ADMINISTRATIVE COMPLAINT SA OFFICE OF THE PRESIDENT

Published

on

Nahaharap sa mga reklamong Grave Abuse, Gross Negligence, at Gross Misconduct ang pitong board members dito sa Capiz na inihain ni mismo ni Governor Esteban “Nonoy” Contreras sa Office of the President.

Inaasahan na ilalagay sa preventive suspensyon ang pito habang iniimbestigahan ng Malacañang ang reklamo.

Ang mga inirereklamo ay sina Board Member Jonathan Besa, Enrique Martin, Weldie Apolinario Jr., Thea Faith Reyes, Mateo Hachuela, Mitchelle John Patricio at Renzo Teves.

Base sa 16-pahinang reklamo ni Gov. Contreras sa Office of the President, sinasabotahe umano ng pitong opisyal ang COVID-19 program ng gobyerno probinsyal dahil sa hindi parin naaaprubahang supplemental budget ng Roxas Memorial Provincial Hospital (RMPH).

Mababatid na iginigiit ng mga board member na nagkaroon ng iregularidad sa pagbili ng mga gamot at suplay sa ospital at may mga ghost employee sa RMPH dahilan para hindi pa nila inaaprubahan ang supplemental budget para rito.

“Until now, the respondents could not name any specific ghost employee of the RMPH,” bahagi ng reklamo ng gobernador. “Until now the respondents could not point to any evidence of irregularity in the procurement and accounting of all drugs, medicines and supplies.”

Ayon sa gobernador walang nakitang iregularidad ang Commission on Audit sa procurement ng mga gamot at suplay taliwas sa akusasyon ng mga inirereklamong opisyal.

Naniniwala ang gobernador na ang panggigipit ng mga board members ay dahil sa politika.

Giit ni Contreras, malaking bagay ang pondong ito para sa buhay ng mga pasyente at ng mga health workers ng RMPH na isang referral hospital ngayong pandemya.

Kapag napatunayang may paglabag sa Local Government Code ang pitong miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ay maaari ang mga itong ma-dismiss sa serbisyo at ma-disqualify sa anumang posisyon sa gobyerno.

Continue Reading