Connect with us

National News

HALOS 600 FOREIGN TOURISTS, DUMATING SA BANSA SA UNANG ARAW NG PAGBUBUKAS SA MGA DAYUHAN

Published

on

File Photo: Diadem Paderes/Radyo Todo Aklan
Ikinagulat ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang dami ng mga dayuhang turista na dumating kahapon sa bansa.
Sa kanyang naging pahayag ngayong araw sa pilot run ng Resbakuna sa Botika sa Boracay, sinabi ng kalihim na umabot sa halos 600 dayuhang turista mula sa mga visa free countries ang dumating kahapon.
“Napakasaya, kasi kahapon nagbukas na tayo finally for foreign tourist, from 157 visa free countries.
“Kahapon mga dumating close to 600 tourist, ang maganda ang mga dumating mga Koreano, Japan, from the United States, Canada, United Kingdom, even Malaysia,” saad ni Puyat.
Aniya pa, karamihan sa mga ito ay mula sa Thailand, dahil ang iba sa kanila ay nauna nang dumaan sa Thailand para hintayin na magbukas ang Pilipinas para sa mga international tourist.
“The biggest bulk came from Thailand, nagtataka ako, mga Thai ba pumunta, ‘yun pala yung mga foreigners dumaan sa Thailand at naghihintay na magbukas ang Pilipinas,” dagdag ng kalihim.
Hindi pa akalain ng kalihim na marami ang pupunta kahapon at marami ang excited na bumisita sa bansa gayong hindi pa naman peak season.

“Medyo gulat na gulat ako na maraming dumating kahapon kaya normally yan pag nagsastart dadating pa yan mga April, May o June, hihintayin nila yan ang mga break nila pero ganon sila ka-excited pumunta sa Pilipinas,” lahad pa ni Puyat.

Ang iba aniya sa kanila ay gustong makita ang kanilang mga kapamilya at ilan din sa mga Amerikanong dumating ay gustong magpaabot ng tulong sa mga nabiktima ng bagyong Odette. MAS/RT