Connect with us

Aklan News

CONSTRUCTION WORKER, NATAGPUANG PATAY

Published

on

Patay na at naliligo sa sariling dugo ang isang construction worker nang matagpuan bandang alas 6:30 kaninang umaga sa tinutuluyang bahay sa Sitio Busay, Aliputos, Numancia.

Nakilala ang biktimang si Reynaldo Perhes, 46 anyos ng Sarah, Iloilo, at pansamantalang nakatira sa naunang nabanggit na lugar.

Base sa paunang report ng Numancia PNP, natagpuan na lamang ang biktimang nakataob sa baba ng bahay.

Kaagad rumesponde ang mga taga SOCO sa lugar kung saan narekober ang isang bato na pinaniniwalaang hinampas sa kanya.

Narekober din ang isang pamalo na nakaugalian nang itabi ng biktima sa loob ng bahay.

Sa panayam ng Radyo Todo sa tiyahin ng biktima, iginiit nito na wala namang nakaaway ang biktima, sa kabila ng pagiging maingay at makata nito tuwing nalalasing.

Kasalukuyan nang nasa isang punerarya ang mga labi ng biktima, habang nagpapatuloy ang imbistigasyon ng pulis para matukoy at mapanagkot ang suspek o mga suspek.