Connect with us

Aklan News

SUSPEK SA PAGPATAY SA CONSTRUCTION WORKER SA ALIPUTOS, NUMANCIA, KAKASUHAN NG MURDER NGAYONG ARAW

Published

on

Makikita sa larawan ang suspek na si Jomel De Vicente

Sasampahan ngayong araw ng kasong murder ang suspek sa pagpatay sa construction worker sa Aliputos, Numancia nitong Biyernes ng gabi.

Kaugnay nito, kinilala ng Numancia PNP ang suspek na si Jomel De Vicente, 22 anyos ng nasabing lugar, na positibo umanong itinuro ng testigo na siyang pumatay sa biktimang si Reynaldo Perjes, 48 anyos ng Sara, Iloilo.

Base sa pahayag ng testigo, nakita nito ang suspek na pumunta sa tinutulugang kubo ng biktima.

Nakita rin umano nitong hinampas ng bato ng suspek ang biktima sa ulo, dahilan na nahulog ito mula sa hagdanan.

Kaagad din na inawat at sinaway ng testigo ang suspek, subali’t hindi ito nakinig.

Maliban sa bato, hinampas din umano nito ng kahoy ang biktima sa ulo na naging rason ng mga malubha nitong sugat at pinsala.

Samantala, nang makapanayam ng Radyo Todo, iginiit naman ng suspek na wala itong kinalaman sa insidente.