Capiz News
COA nilinaw na walang nabanggit na korapsyon sa kanilang audit observation sa Capiz LGU
Nilinaw ng Commission on Audit na walang nabanggit na anumang uri ng korapsyon sa kanilang Audit Observation Memorandum (AOM) sa provincial government ng Capiz.
Taliwas ito sa iginigiit na isyu ng korapsyon ng ilang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa gobyerno probinsyal dahilan para hindi nila aprubahan ang annual budget ng probinsya sa taong ito.
Ayon sa sulat ni Joy Therese Orillos, Audit Team Leader ng COA sa Capiz, nitong Pebrero 9, kay Provincial Administrator Edwin Monares, ang nasabing AOM ay para lamang ipaabot sa mga kinauukulang ahensiya na ayusin ang kanilang audit report.
Una nang nagpadala ng sulat ang provincial director nitong Pebrero 7 para humingi ng paglilinaw sa covering memo ni Atty. Junmar Natanawan sa 2020 Annual Audit Report ng probinsya. Ito kasing report ang binabasehan ng mga kritiko na may korapsyon ang gobyerno probinsyal.
Paliwanag ni Orillos, nagkaroon lamang ng pagkakamali sa accounting policy at nilinaw na walang nawalang pondo. Sa ngayon ay naayos na aniya ng accounting unit ng kinauukulan ang naturang gusot.
Kaugnay rito, muling bumwelta si Monares kay Vice Governor Mitang Magbanua at kay Board Member Sonny Besa sa kaniyang Facebook post pati na sa isang radio station nitong Pebrero 14:
Vice Governor Mitang Magbanua and BM Besa, Wala ng “BESA” KASINUNGALINGAN ninyo! Ignorance is not an excuse. As public servant your duty is to educate for our people to understand not do LIES and PROPAGANDA to advance your SELFISH POLITICAL INTEREST!