Connect with us

Aklan News

BANTAY NG PASYENTE SA DRSTMH, DAPAT NA RING MAGPA RAPID ANTIGEN TEST

Published

on

File Photo| Diadem Paderes/Radyo Todo Aklan

Dapat na ring sumailalim sa Rapid Antigen Test ang mga magbabantay sa pasyente na naka-confine sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital (DRSTMH).

Ayon kay Eumir Atienza, DRSTMH Admin, simula nang magkaroon muli ng surge ng COVID-19 virus sa Aklan noong Enero, naglabas ng memorandum si Aklan Provincial Hospital Acting Chief Dr. Leslie Ann Luces na dapat mag-stay in ang mga bantay kasama ng kanilang mga pasyenteng naka-confine.

Ito ay para maiwasan ang pagkalat ng virus dahil minsan na aniyang nagkaroon ng hawaan sa mga pasyente at bantay sa isang non-covid ward noong surge.

Dagdag pa ni Atienza, matagal na ring ipinapatupad ang ganitong kautusan sa mga ospital sa Iloilo at iba pang lugar.

Kaugnay nito, nilinaw niya na libre ang P1600 na rapid antigen test sa mga bantay ng pasyente.

Pero kung halimbawang magpapalit ng bantay ay hindi na ito libre.

Kaya kung maaari lang ayon kay Atienza ay huwag nang magpalit ng bantay ng pasyente sa ospital para maiwasan ang pagkalat ng virus kahit na sa ngayon ay bumababa na ang COVID-19 cases sa lalawigan. RT/MAS