Connect with us

Capiz News

PASYENTE SA ISANG PRIBADONG OSPITAL, TUMAKAS

Published

on

Isang pasyente sa pribadong ospital inireklamo ng security guard sa Roxas City PNP matapos tumakas.

Kinilala ang pasyente na si Strawberry Dequino, 33-anyos, residente ng Maayon, Capiz.

Ayon sa security guard ng Capiz Emmanuel Hospital na si Rhecy Dorado ng Brgy. Tiza, Roxas City, napag-alaman nalang na nakatakas na ang pasyente matapos ipaalam sa kaniya ng nurse on-duty sa ward.

Nabatid na Enero 26 nang maadmit sa nasabing ospital.

Sinabi ng sekyu na wala silang pananagutan kung ano ang sasapitin ng nasabing pasyente matapos itong tumakas.

Continue Reading